How to Spot Fake News



TINGNAN ANG HEADLINE

Kadalasan, ang fake news ay naglalaman ng hindi kapani-paniwalang headline, at minsan ay naka-all caps at may maraming exclamation points. Kung ito ay hindi kapani-paniwala, maaaring hindi ito totoo.

SURIIN ANG LARAWAN

Ang mga fake news o report ay kadalasan naglalaman ng edited na mga photo o video. Minsan, gumagamit ito ng totoong larawan ngunit nilalagyan ng maling caption. Maaari mong hanapin ang pinagmulang photo sa pamamagitan ng reverse-image search.

TINGNAN NG MABUTI ANG LINK OR URL.

May mga pagkakataon na ang link ng totoo at pekeng balita ay halos magkapareho ng itsura. Laging tignan ng mabuti ang mga link, upang masiguro kung ito ba ay galing sa totoong source.

ANG IBANG BALITA AY SINASADYANG PEKE

Maging mapanuri sa mga binabasang post o balita, at i-share ang mga ito kung alam mo na may kredibilidad ito.

TUMUNGIN NG IBA PANG BAKITA

Tignan kung ang balita/post ay nababalita sa ibang mga news site na pinagkakatiwalaan mo. Kung hindi at nanggagaling lang sa isang source, maaaring hindi ito totoo.